TV host, mas atat pa… IPINAGKALAT NI KRIS: ERICH, IKAKASAL NA!
- BULGAR

- Jan 24, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

DINALAW ni Erich Gonzales si Kris Aquino. Walang ginawa ang dalawa kundi ang maghuntahan.
Itinuturing na ni Kris na kapamilya ang aktres. Lagi nga niyang sinasabing si Erich ang kanyang panganay na anak.
But how true na engaged na raw ang dalaga? ‘Yun daw kasi ang pinag-usapan ng magkaibigan sa ilang oras nilang pagkukuwentuhan. Si Kris ang excited kapag ikinasal na si Erich. Katunayan, siya ang nagtanong sa actress kung engaged na nga ba ito.
Hindi naman naniniwala ang mga fans ni Erich. Hangga’t wala raw video na ipinakikita ang idolo nila ay ‘di sila naniniwalang magpapakasal na ito.





Comments