top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tadtad ng tama ng bala | BANGKAY NG 15-ANYOS, 1 PA ITINAPON SA BAKANTENG LOTE

  • Jeff Tumbado
  • Jan 24, 2019
  • 1 min read

PINANINIWALAANG biktima ng extrajudicial killings ang dalawang lalaki kabilang ang isang 15-anyos kung saan nadiskubre ang kanilang bangkay sa isang bakanteng lote sa Bgy. Tubod, Minglanilla, Cebu.

Alas-3:00 ng madaling-araw ng Miyerkules nang matagpuan ang bangkay ng 20-anyos na si Ezekel Bijos at ang menor-de-edad na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay SPO3 Rangie Lopez, may mga napadaang kabataan na residente malapit sa kinatagpuan ng mga biktima ang nagbigay sa kanila ng impormasyon kaugnay sa pagkakatagpo nila ng mga bangkay.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang mga ito na sinasabing pinatay sa ibang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page