Sobrang obsessed, di na pumasok sa school…FAN, NASIRA ANG BUHAY DAHIL SA K-POP GROUP NA SEVENTEEN

ISANG magandang lesson, but at the same time ay inspirational, ang inihatid ng recent episode ng South Korean reality show na Hello Counselor ng KBS2 lalo na sa mga fans na obsessed sa kanilang idolo.
Kinuha nilang guest ang ama ng isang avid fan ng K-pop group na Seventeen na talagang umiyak on national TV habang ikinukuwento kung paano napabayaan ng anak niyang high schooler na si Yuna ang pag-aaral dahil sa pagka-obsessed sa idolo.
Nagsimula raw si Yuna na ma-late-late lang sa school 2-3 times a week or sometimes, hindi na raw talaga ito pumapasok nang buong araw. At ‘pag nasa klase naman daw ay natutulog ito.
It turned out na nauubos ang panahon ng bagets sa kapapanood ng videos ng Seventeen at kasusunod sa mga aktibidades ng grupo. Naghihintay daw ito sa labas ng Music Bank (also a tv show) studio nang madaling-araw (3-4 AM) nang up to 4 hrs. para lang masilip niya ang pagdating ng mga miyembro. Minsan ay hindi raw ito umuuwi nang isang araw sa kasusunod sa kanyang idolo.
Ang ending ay hindi raw naka-graduate si Yuna that year at nag-repeat ng kanyang 3rd year sa high school, pero wala raw pagsisisi ang fan.
Bukod dito, nakaubos na rin daw si Yuna ng 12 million won (approximately 11,000 USD) sa kabibili ng merchandise ng kanyang idolo.
“My heart breaks because of my daughter. It’s been hard. Our whole family is very busy. Since she’s the youngest, I think she started having this hobby because of the loneliness. I work in the clothing section of the Dongdaemun Market. I go to work by 1 PM and come home in the middle of the night,” ang umiiyak na sabi ng ama.
Ayon naman sa host na si Lee Young Ja, being celebrity herself, hindi niya gugustuhing marinig na ang fan niya ay nasira ang buhay dahil sa kanya.
“As a celebrity, I want to hear fans say, ‘Unnie (ate) I was able to achieve this thanks to you.’ It motivates me to continue doing what I do. But [they wouldn’t want to hear], ‘SEVENTEEN, I was held back in school because of you,’” pahayag ni Lee Young Ja.
Pero ang inspirational part, nagpadala mismo ng video greetings ang Seventeen kay Yuna na inere ng show. Nagpasalamat ang grupo for being their fan pero at the same time ay nakiusap na huwag pabayaan ang pag-aaral dahil lang sa pagmamahal sa kanila.
“We heard that a student named Yuna is disregarding her studies and school because of us.
“We’re thankful that you love us so much but we’re very upset to hear that you’re disregarding your studies and school. If we hear that you’re doing well in school, we will invite you to our concert!
“Yuna, we hope you work hard and have a blessed new year. We’re cheering for your happiness!” ang pahayag ng Seventeen sa kanilang video message kay Yuna.
Si Yuna naman na nandu’n din sa kabilang room at dinala ng kaibigan para manood ay tila natauhan at sa bandang huli ay nagbigay ng pangako na aayusin na niya ang pagkakamali.
“I won’t skip school or be tardy. I will become a CARAT that fulfills everything you just said,” pahayag ni Yuna.
At least, everything turned out for the better at nawa’y magsilbing inspirasyon at moral lesson ito para sa mga kabataang napapabayaan din ang pag-aaral, pamilya at iba pang bagay dahil lang sa kanilang idolo.





Comments