top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PULSE AT KATROPA NAGWAGI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2019
  • 1 min read

KINALAWIT ng Phoenix Fuel Masters ang pangatlong sunod na panalo matapos kalusin ang Columbian Dyip, 108-98 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Kumana si Matthew Wright ng 22 markers para tulungan ang FuelMasters na ilista ang 3-0 karta. Ganado ang Phoenix sa simula ng laban, hinawakan nila ang 10-point lead, 24-14 sa first canto.

Pero naibaba ng Dyip ang kanilang hinahabol sa anim, 47-53 sa halftime. Sa third quarter muling umabot sa 10 ang bentahe ng Phoenix, 82-72 kaya nakipagpalitan na lang sila ng puntos sa 4th upang makuha ang panalo. Nagpakitang-gilas ang dalawang rookies ng Columbian, tumipa si JP Calvo ng 18 markers habang inirehistro ni top pick CJ Perez ng 10 pts., 8 rebounds at anim na assists.

Samantala, sisikapin ng NorthPort na makuha ang panalo laban sa Columbian bukas upang mapanatili ang kanilang malinis na karta. Hawak ang 2-0 card, makakalaban ng Batang Pier ang Dyip sa 4:30 p.m. sa Ynares Center sa Antipolo City. Inaasahang magiging kapana-panabik ang laban dahil magkikita ang dalawa sa mga sikat na cagers sa NCAA na sina top pick rookie CJ Perez at No. 2 Robert Bolick. Ibabandera ng Dyip si dating Lyceum of the Philippines star Perez habang ihaharap ng NorthPort si dating pambato ng San Beda University, Bolick. Nakatakda namang magkaldagan sa pangalawang laro ang Meralco Bolts at San Miguel Beer ng 7 p.m. Samantala sa ikalawang laro, tinalo ng TNT KaTropa ang NLEX sa iskor na 85=80. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page