top of page
Pokwang.jpg

Para sa mga alcoholic d’yan na may LBM, read n‘yo ‘to! ALAK NA NAKAHA-HYDRATE AT NAKALALASING, NAIMB

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2019
2 min read

WALWAL is life, pero hydration is lifer? Hmmm… apir tayo riyan, lodi! ‘Yung tipong dapat ‘New Year, healthier me’ ang peg natin, pero hindi pa rin keri kapag walang kaunting alak, uy, aminin! Pero, mga lodi, bakit kailangan pang mamili sa pagitan ng alak at tubig kung puwede namang both, ‘di ba? Knows ba ninyo na mayroon ng inumin na kering makapagha-hydrate at makalalasing sa atin? Wow!

Mayroon ng naimbentong tubig na nakapagmamantina ng hydration sa katawan at keri ring makalasing dahil may alcohol content ito.

Ayon sa mga eksperto, maraming kumpanya ng inumin ang sumubok na gumawa ng produkto na papatok sa indibidwal na health conscious, ngunit, gusto pa ring uminom ng alak.

Kaya mayroong kumpanya na naglabas ng spiked water kung saan ayon sa mga nakaimbento nito, eh, tiyak na papatok ito sa merkado.

Ang inumin ay tinawag na Pura Still kung saan wala itong carbonated bubbles na kadalasang mayroon ang mga spiked seltzer product. Ayon sa nakaimbento ng Pura Still, ito ang paraan upang mag-enjoy ang mga consumer sa pag-inom ng alak nang hindi nila binabago ang kanilang healthy lifestyle.

Bagama’t, spiked water ang Pura Still, naglalaman ito ng isang gramo ng asukal at 90 calories, gayundin, mayroon itong 4.5 porsiyento ng alcohol content.

Ayon sa kumpanyang nagbebenta ng nasabing inumin, hindi maitatangging prayoridad ng karamihan ang kanilang kalusugan, ngunit, ginawa nila ang Pura Still para sa mga indibidwal na gustong mag-enjoy kahit paminsan-minsan habang hindi nag-aalala sa carbonation, pagiging bloated at pagkakaroon ng excess sugar.

Nai-launched ang Pura Still sa United States noong nakaraang taon kung saan ito ay ibinebenta sa halagang $8.49. Mayroong tatlong flavor ang inumin kabilang dito ang blueberry, orange-mandarin at mango, gayundin, ito ay mabibili na nakalagay sa 11.2oz na bote.

Ang Pura Still ay nakatakda umanong i-launch sa iba’t ibang panig ng mundo ngayong taon, ayon sa manager ng kumpanyang nakadiskubre nito.

Siguradong ito na ang solusyon para sa mga bro at sis natin diyan na dehins makapagdesisyon kung mananatili sa kanilang healthy lifestyle o magpapaka-YOLO. Ngunit, tandaan natin na ang kalusugan ay dapat nating ingatan.

Oks ba ‘yun? He-he-he

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page