Pacquiao vs. Mayweather tuloy na raw, script na lang kulang?

IBINABA na sa 9 ang edad ng batang kakasuhan sa hukuman.
Sana naman, huwag nilang isama pati ang mga sanggol!
◘◘◘
SABAGAY, ‘yung isang political prisoner na buntis ay ikinulong nang maaresto ng mga awtoridad.
‘Yung sanggol, naparusahan ng kamatayan nang makunan si nanay.
◘◘◘
SA Bibliya, kahit ‘yung mga hindi pa isinisilang ay pinarurusahan sa kasalanan ng mga ninuno.
Pitumpu’t pitong saling-lahi ang parusa.
Mas grabe ang lupit sa istorya ng relihiyon sa Banal na Kasulatan.
◘◘◘
ANG mas grabe ay ang kasalanan nina Eba at Adan, pinagdurusahan ng ating henerasyon.
Hindi pinag-uusapan dito ang “edad” kundi ang tradisyon at “kahinaan ng utak” ng mga may kontrol sa gobyerno!
◘◘◘
NAREKOBER na ang mga baril na ginamit sa pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe.
Iba talaga ang malaking reward sa ikahuhuli ng mga suspek!
◘◘◘
PANALO ang “Yes Vote” sa Bangsamoro Basic Law.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
HINDI raw totoo na mabubulag si Sen. Manny Pacquiao.
Sayang naman, ‘pag nagkataon, hindi niya makikita ang bilyun-bilyon niyang kayamanan!
◘◘◘
ON-THE-BAG na raw ang laban nina Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr,
Naghahanap na lang sila ngayon ng gagawa ng script!





Comments