top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P13 million reward ng kamara sa Batocabe slay case, naibigay na sa PNP

  • Vyne Reyes
  • Jan 24, 2019
  • 1 min read

KUMPLETO nang nai-turnover ng Kamara ang P13 milyong nalikom na halaga para gamiting pabuya sa magiging daan sa pagbibigay ng hustisya sa pagpatay kay AKO Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Pinangunahan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbibigay kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ng isang bag ng pera na nagkakahalagang P8 milyon.

Nauna nang naibigay ng Kamara sa PNP ang P5 milyong reward.

Aabot sa 197 mambabatas ang nangako at nagbigay ng tig-P30,000 kontribusyon para mabuo ang P13 milyon.

Posible pa ring umabot ng P30 milyon ang kontribusyon ng Kamara dahil may inaasahan pa silang makokolekta kasama na rito ang P15 milyon mula sa partylist group ng napatay na kongresista.

Ipinauubaya na ng kapulungan sa PNP at sa kaanak ng mga biktima ang paggamit ng reward money at naniniwala ang mga mambabatas na makatutulong din ito para sa mga testigo sa krimen.

Matatandaang, binaril at napatay si Batocabe matapos mamahagi ng regalo sa mga senior citizen sa Daraga, Albay.

Inaresto na rin ang itinuturong utak sa krimen na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ngunit, may kinalaman sa pag-iingat umano ng mga iligal na armas ang dahilan ng pagdampot sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page