top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, galit manakawan pero, ang ibinoboto mga magnanakaw, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2019
  • 2 min read

KAPAG NANALO ANG MGA MAGNANAKAW NA PULITIKO, TOTOONG ANG MAYORYA NG MGA PINOY AY “BOBOTANTE”— Walang sinuman ang gustong manakawan.

Ang nakapagtataka, pagsapit ng eleksiyon, ang ibinoboto ng mga botante ay ang mga pulitikong may record ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kaya sa darating na eleksiyon kapag ang nanalo ay mga magnanakaw na pulitiko pa rin, ibig sabihin, wala talagang solusyon sa pagiging “bobotante” ng mayorya sa mga Pinoy, boom!

◘◘◘

MABUTI NA LANG MAY COA KAYA NABULGAR NA SI SEN. KOKO ANG PINAKAMAGASTOS NA SENADOR —Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na sa mga senador, si Sen. “Koko” Pimentel umano ang may pinakamalaking nagastos noong siya pa ang Senate President.

Base sa data ng COA, gumagastos daw ng P350K kada araw ang tanggapan ni Sen. Koko kaya umabot sa P127.8 milyon ang kabuuang naging gastos nito noong 2017.

Buti na lang may COA kasi kung walang COA, hindi malalaman ng publiko na ang pinakamagastos na senador ay si Sen. Koko, period!

◘◘◘

SHOCKING ANG P350K DAILY GASTOS NI SEN. KOKO PIMENTEL—Shocking ang ibinulgar ng COA na sa isang araw lang ay gumagastos ng P350K mula sa kaban ng bayan ang tanggapan ni Sen. Koko.

Mantakin n’yo, ang pamilya ng maralitang Pinoy ay hirap makahagilap ng P38 na pambili ng isang kilong bigas para sa isang araw, tapos si Sen. Koko na naturingan pa namang lingkod-bayan ay P350K ang ginagastos sa pera ng bayan sa loob lang ng isang araw, buwisit!

◘◘◘

GOV. ESPINO AT PD LOPEZ, WALANG AKSIYON SA MGA MANRARAKET SA PANGASINAN — Walang aksiyong ginagawa ang local gov’t. at kapulisan sa raket na drop balls at color games nina “Rosbe” ng Binalonan, “Fronda” ng San Nicolas, “Yolly” ng Villasis, “Edong” ng Urdaneta at “Magat” sa San Carlos City, pawang sa Pangasinan.

Kung walang aksiyon, ibig sabihin, “nganga” lang sina Gov. Amado Espino III at PD Sr. Supt. Wilson Lopez sa mga manraraket sa kanilang nasasakupan, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page