top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Medical marijuana bill, umusad na

Vyne Reyes
Jan 24, 2019
1 min read

PASADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang magsasa-legal sa paggamit ng medical marijuana sa bansa.

Kasunod ng viva voce vote, inaprubahan ang substitute bill ng House Bill 6517 o ang Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Para sa mga nagtutulak ng panukala, nakatutulong ito para makagaan sa ilang kondisyon tulad ng cachexia, seizures, epilepsy, hindi nawawalang muscle spams at iba pang may kaugnayan sa multiple sclerosis.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karapatan ang pasyente na pumili ng uri ng treatment na kanyang kailangan at dapat na igalang ito ng doktor pero, ipaaalam ang mga posibleng side-effect nito. Kailangang magparehistro at kuwalipikado ang pasyente bago maresetahan at mabigyan ng identification card.

Itatayo rin ang medical compassionate center na lisensiyado ng Department of Health at mangangasiwa sa suplay ng cannabis.

Mayroon ding lilikhaing Medical Cannabis Safety Compliance facility na mag-aaral tungkol sa medical use ng marijuana.

Ang DOH ang magsisilbing pangunahing regulatory agency katuwang ang Food and Drug Administration at PDEA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page