top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karagdagang pondo para sa instructional material sa klasrum, dapat lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2019
  • 2 min read

PARA sa kawili-wiling pag-aaral at mas madaling pagkakaintindi sa mga leksiyon na iti­nuturo ng ating mga guro, mahalaga ang creative skills sa pagtuturo.

Ang paggamit ng instructional materials o ang tinatawag na interactive educational ma­te­rials, mga elektroniks tulad ng computer, LCD projector, TV at iba pa ay ilan lamang sa pina­kamahalagang gamit para mas mauna­waan ng mga mag-aaral kung anuman ang nais nilang maibahagi sa kanilang mga estudyante.

Mahalaga ito upang makuha nila ang aten­siyon ng mga estudyante, makabuo sila ng tiyak na reaksiyong emosyunal at maging makato­tohanan ang mga imaheng kanilang nakikita. Base sa Cone of Experience ng Ame­rican edu­cator na si Edgar Dale, ang epekto sa pagka­karoon ng kagamitang panturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay may mga porsiyento.

Halimbawa, kapag larawan, ang ginaga­mit sa pagtuturo ay 30% ng kaalaman ang nabu­buo sa kaisipan ng indibidwal. Sa pa­nonood naman ng video ay 50% ng karu­nungan ang kanyang nakakamit.

Habang ang impluwensiya sa pagbabasa ng mga aklat, chart, module at magazine ay 10% at 70% naman sa pagsulat at pagsa­salita.

Dahil sa pangangailangang ito, napipili­tang gumastos ang guro mula sa sarili nilang bulsa para lamang maitawid nang maayos at malinaw ang kanilang itinuturong leksiyon.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga guro ng P 3,000 chalk allowance ngunit, hin­di ito sapat. Responsibilidad ng gobyerno ang pagsisi­guro ng kalidad na edukasyon para sa lahat at kabilang na rito ang pagkakaroon ng epekti­bong pagtuturo at pag-aaral sa pamama­gitan ng pertinenteng kagamitang pangklas­rum.

Hangad natin ang kapanatagan ng loob at kaginhawahan sa trabaho ng mga magigiting na teacher kaya nakapag-akda tayo ng panu­kalang-batas na Instructional Mate­rials Al­lowance Act of 2016 o Senate Bill No. 907 kung saan imamandato na mag­karoon ng ta­unang tatlong libong pisong halaga ng allow­ance ang bawat public school teacher mula kindergarten hanggang basic education.

Sa halip na mag-abono ang guro sa pam­bili ng mga gamit, makatutulong ang dagdag na allowance upang mabawasan ang kanilang ala­lahanin kung kailan maibabalik ang ka­nilang inabonohan, kung paano nila pagka­kasyahin ang gastusin pampersonal at pang­trabaho at iba pang concerns.

Ilang grupo ng mga guro mula sa Metro Manila ang nagsadya sa ating tanggapan upang ipaabot ang kanilang pagsuporta sa nasabing panukala at umaasang maisasaka­tuparan ito sa lalong madaling panahon.

Sa ka­bilang banda naman ay nagpapasa­lamat tayo sa kanila dahil sa hindi nila pagsuko sa sinumpaang-tungkulin kahit anuman ang pagsubok na kanilang harapin ay patuloy pa rin nilang itinataguyod ang pag-unlad ng edu­kasyon sa ating bansa.

Ang mga guro ang puso ng karunungan. Ating tatandaan na ang pagtuturo sa mga mag-aaral ang pangunahing gawaing nakaatas sa mga guro at hindi ang pagsagot sa mga gas­tusing pang-eskuwelahan.

Oras na para matapos ang pagpasan ng mga guro, lalo na sa mga pampublikong pa­aralan sa mga bagay na hindi dapat nakaako sa kanila.

Higit sa lahat, ang maramdaman at mara­nasan na binibigyang-importansiya ang kani­lang boses at kapakanan ay tunay na maka­buluhan para sa bawat isa sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page