Exclusive na raw sila ni Maine sa isa't isa…ARJO: PINAKAMALIGAYA AKO NGAYON!


WE are exclusively dating, I am at my happiest right now and further details, I won’t say it anymore, basta hanggang doon lang muna.”
Ito ang pahayag ni Arjo Atayde sa tanong kung sila na ba ni Maine Mendoza at the presscon of ‘Tol, ang comedy film niya kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa held last Tuesday night.
When asked kung saan sila pinakanagdya-jive ni Maine, ani Arjo, “Everything. I’m just really happy.”
Marami pang tanong ang press like kung kumusta siya sa family ni Maine, kung na-meet na niya, kung ilang months na at iba pang detalye, pero iisa na ang sagot niya, “Hanggang doon na lang po muna. We’re dating and what you see is what you get.”
Pero masaya ang puso niya ngayon?
“Masaya po,” he said.
Ano ang mga katangian ni Maine na nagustuhan niya?
“Lahat,” sambit niya.
Magpapa-block screening ba si Maine para sa ‘Tol or sasamahan ba siya sa pag-support sa movie?
“Hindi ko po alam. We haven’t talked about it and Maine has nothing to do with my work at all. This is me and if she goes, she supports me, thank you. If she’s busy, I understand. But as far as I’m concerned, wala po akong sagot diyan, we haven’t really talked about it.”
Tungkol sa pamba-bash na nararanasan niya ngayon at ng pamilya niya dahil nga sa relasyon niya kay Maine, ani Arjo ay hindi naman siya apektado at ang medyo foul lang daw talaga ay idinadamay ang kanyang pamilya.
Pero kung iba-bash daw siya face-to-face, ibang usapan na ‘yun. Ang bashing sa social media, lalo na kung galing naman sa mga troll accounts ay hindi niya papatulan at hindi na nga raw niya binabasa ang mga comments.
Anyway, first comedy film ni Arjo ang ‘Tol na idinirehe ni Miko Livelo under Reality Entertainment. Happy ang aktor na makagawa ng ganitong klaseng proyekto dahil nga sa 7 years niya sa industry ay puro drama ang kanyang ginagawa.
Puring-puri naman ng direktor si Arjo dahil kahit sanay ito sa drama, nakipagsabayan ang aktor kina Ketchup at Joross sa pagpapatawa.
Showing na ang ‘Tol sa January 30.





Comments