3 paslit nalunod sa fishpond, dedbol


DEDO ang tatlong batang babae makaraang malunod sa palaisdaan sa Bgy. Macabling, Sta. Rosa City, Laguna, kahapon.
Nasawi ang magkakaibigan na dalawang edad 11 at isang 10.
Batay sa imbestigasyon, anim na bata ang magkakasamang nagpunta sa fishpond at apat sa kanila ang naligo.
Ayon sa saksi, nagsimulang malunod ang isang bata nang pumunta sa malalim na bahagi kaya sumaklolo ang iba.
Nakaligtas ito subalit, hindi ang mga sumaklolo sa kanya.
Sinasabing may lalim na 10 talampakan ang palaisdaan na nasa isang pribadong lugar. (BRT)





Comments