Riding-in-tandem umiwas sa checkpoint, 1 todas
- Levi Gonzales
- Jan 23, 2019
- 1 min read

UTAS sa pulis ang isa umanong miyembro ng gun-for-hire syndicate makaraang takasan ang inilatag na Comelec checkpoint sa Bgy. Banaba, Padre Garcia, Batangas.
Kinilala ang nasawi na si Renato Ibañez, Jr. alyas Ren, habang nakatakas naman ang kasama nitong hindi pa nakikilala.
Batay sa report, alas-12:40 ng hatinggabi nang maispatan ng mga awtoridad ang motorsiklo ng dalawa.
Kanila itong ipinatitigil subalit, humarurot ito dahilan upang habulin ng mga awtoridad. Nagkaroon ng palitan ng putok at duguang bumulagta ang isa at nakatakas ang kasama nito.
Positibo namang ang mga suspek ay kabilang sa grupo ng tinaguriang Basag Kotse Gang at Gun-for-Hire Syndicate Group sa Quezon.





Comments