top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis binentahan | 3 ESTUDYANTE KULONG SA COCAINE AT MARIJUANA

Maeng Santos
Jan 23, 2019
1 min read

KALABOSO ang tatlong estudyante at 24-anyos na dalaga na hinihinalang mga sangkot sa iligal na droga matapos maaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit Head PCI Rengie Deimos ang mga naaresto na sina Marvin Earl Gonzales, 19; Jerlaur Serafica, 19, at Michael Lu, 19, pawang mga estudyante at Lavinia dela Cruz, 24, ng Bgy.118.

Ayon kay PO1 Aian-Jay Gamayon, alas-10:00 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Deimos ang buy-bust operation kontra kina Gonzales at Serafica sa kahabaan ng B. Serrano St., Bgy. 108.

Nagawang makabili ni PO1 Cerwin Lopez na nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet ng cocaine kapalit ng P20,000 boodle money sa mga suspek at nang magbigay ito ng signal na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang dalawa.

Narekober sa mga suspek ang buy-bust money habang inaresto rin sina Lu at Dela Cruz matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Apat pang plastic sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana kabilang ang high grade marijuana ang narekober ng mga operatiba sa loob ng Toyota Vios.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page