top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oo naman, mali 'yun, marurupok sila! YOUNG ACTRESS, SINORPRESA NG BF-KA-LOVE TEAM, PINUNTAHAN SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Hindi lang pala ang sobrang pagiging selosa at possessive ng young actress ang dahilan kaya nakipag-break sa kanya ang young actor na ka-love team din niya. May mas matindi at mas malalim pa palang dahilan kaya na-turn-off ang young actor sa karelasyong young actress.

May mga kaibigan na siyang nagsasabi na hindi loyal sa kanya ang gf. Kaya minsan ay nag-surprise visit si young actor sa condo ng girl. Nataranta raw ang young actress dahil magulo at makalat ang kuwarto niya. And worse, may natuklasang ebidensiya ang young actor na may milagrong ginagawa ang GF niya.

Sumasalisi pala sa condo ng young actress ang isang guwapo at tisoy na young actor. Nagawang itago at ilihim ito ni girl sa bf niya, pero nabuking din ni young actor ang misteryo ng girl. Nawalan na siya ng tiwala sa gf at nakipag-break.

Samantala, maraming showbiz observers ang nakakapansin sa mala­king pagbabago ni young actress.

Hindi na siya mukhang inosente. Kung dati-rati ay neneng-nene ang kanyang hitsura, ngayon ay woman of the world na ang aura niya.

Ang secret affair ba niya sa isang young actor ang dahilan ng kanyang pagbabago? Ang young actor ba ang nagturo sa young actress ng tunay na laro ng pag-ibig?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page