Manila Zoo, ipinasara

IKINANDADO na ng Manila City Hall ang Manila Zoo, epektibo ngayong araw, Enero 23.
Ito’y para bigyang-daan ang gagawing rehabilitasyon sa Manila Bay sa January 27.
Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Mayor Joseph Ejercito Estrada, nakasaad na bilang pagtalima sa rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ititigil muna pansamantala ang operasyon ng naturang zoo.
Samantala, sinabi naman ng Office of the City Administrator at Department of Engineering and Public Works na gagamitin ang panahon sa pagsasara ng Manila Zoo para pag-aralan pa kung paano magkakaroon ng sistema sa waste disposal.
Nabatid na ang pamunuan ng Manila Zoo ay may septic tank pero, walang sewage treatment plant. Ibig sabihin, untreated waste water o maruming tubig ang inilalabas nila sa Manila Bay.





Comments