Kung maaaring maparusahan ang akusado gamit lamang ang isang anonymous report

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang maparusahan ang estudyanteng nambu-bully sa anak ko sa pamamagitan ng anonymous report?—Nash
Dear Nash, Para sa inyong kaalaman, ang Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa Section 3 (d) ng nasabing batas:
“SEC. 3. Adoption of Anti-Bullying Policies. – All elementary and secondary schools are hereby directed to adopt policies to address the existence of bullying in their respective institutions. Such policies shall be regularly updated and, at a minimum, shall include provisions which:
xxx;
(d) Enable students to anonymously report bullying or retaliation: Provided, however, That no disciplinary administrative action shall be taken against a perpetrator solely on the basis of an anonymous report xxx (Binigyang-diin)
Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na hindi maaaring maparusahan ng eskuwelahan ang naakusahan ng bullying base lamang sa anonymous report. Sa kabila nito, maaari pa rin namang magsumbong o mag-report ng mga akto ng bullying nang hindi nagpapakilala.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments