top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

5 mayor na ’missing-in-action‘ sa bagyong Ompong, mananagot! — DILG

Jeff Tumbado / Vyne Reyes
Jan 23, 2019
1 min read

POSIBLENG maharap sa parusang administratibo ng Office of the Ombudsman ang limang alkalde sa Northern Luzon na ‘missing-in-action’ nang manalasa ang Bagyong Ompong noong nakaraang taon.

Ayon kay Interior and Local Government Spokesperson Jonathan Malaya, kulang at hindi makatwiran ang paliwanag ng naturang mga lokal na opisyal tungkol sa kabiguan nilang kumilos at magpakita sa mga nasasakupan nang tamaan ng kalamidad ang kani-kanilang lugar.

Maaari aniyang madiin ang mga opisyal sa dereliction of duty, negligence at iba pang administrative offense.

Samantala, may anim na alkalde ang makatatanggap naman ng pormal na panenermon mula kay DILG Secretary Eduardo Año dahil sa pagbalewala sa direktibang kailangang may pisikal na presensiya at personal na pangasiwaan ang evacuation, rescue and relief operations ng kanilang constituents.

Gayunman, tumanggi muna ang DILG na tukuyin ang mga pangalan ng mga lokal na opisyal.

Paalala ni Malaya, kung hindi sisiputin ng alkalde ang lugar nito sa panahon ng kalamidad, maaaring masira ang operasyon ng lokal na pamahalaan at mahihirapan ang mga residenteng maaapektuhan.

Samantala, pinag-aaralan pa ang paliwanag ng apat pang meyor na nabigong magpakita sa panahon ng bagyo.

May isang alkalde naman ang nakalusot ang paliwanag.

Kabilang sa mga idinahilan ng ilang alkalde kaya hindi lumutang sa kanilang opisina noong panahon ng Bagyong Ompong ay ang pagdalo sa training workshop sa Baguio, may political meeting sa Davao, dumalo sa mga aktibidad ng NEDA at DA sa Maynila at may pulong sa Malacañang.

Diin ng DILG, higit sa lahat ay dapat prayoridad ng mga alkalde ang kanilang mga nasasakupan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page