300 KALAHOK MAGTUTUOS SA PART 1 NG WSC 2019


SISIPA ang pinaka-prestihiyosong Invitational derby sa Pilipinas, ang World Slasher Cup sa kanyang unang season para sa 2019 sa Enero 28 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Nakatakda ang Grand Finals sa Peb. 6, ang pinakahihintay na pagtutuos ng mga pinakamahuhusay na lahi ng manok-panabong ay dadaluhan ng mahigit sa 300 kalahok.
Ang pinaka-inaabangang muli ay ang kampanya ng dating kampeon na si Thunderbird endorser Frank Berin, ang back-to-back winner noong taon ng 2017.
Ang Thunderbird, masugid na tagasuporta ng World Slasher Cup sa mahabang panahon ay sikat sa mga nagpapalahi ng mga manok-panabong dahil sa winning formula nito.
Kinikilala bilang nangungunang tagapag-angat ng industriya ng gamefowl breeding.
Nagdi-distribute ng mga de-kalidad na patuka at veterinary products na inaming gamit ng mga sabong champs tulad ni Berin sa matinding labanan sa WSC.
Pagdating ng Enero 28, inaasahan ang mga dating kampeon at mga beterano ng WSC na muling magtutuos upang subuking maibulsa ang pinakamataas na karangalan sa pandaigdigang sabong.
Pangungunahan ang banggaan ng nagkampeon sa WSC 1 2018 na si Patrick Antonio na ipagtatanggol ang kanyang korona, kasama sina dating kampeon Rey Briones (WSC 2 2018 champ), Nene Araneta, Magno Lim, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ed Apari, Doc Ayong Lorenzo, at iba pa.
Sa home team ay itatampok sina Joey Sy, Ed Ochoa, Boy Marzo, Rikki Reyes, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Roel Gatchalian, Allan Siyaco, Celso Evangelista, James Yap, Gerald Ampil, Rhemy Medrano, Arman Santos, Peping Ricafort, Crispin Aguas, Rey Morla, Tony Marfori, Virgilio Lacson, Jun Villanueva, Boyet Plaza, Aylwynn Sy, Ricoy Palmares, Efren Canlas, Doc Marvin Rocafort, Celso Salazar, Jet Fernando, Carlos Tumpalan, Boy De Roca, Dong Chung, Honey Yu, Nelson Uy, Terence Madlambayan at marami pang iba.
Ang iskedyul ng WSC 1 sa buwan ito ay Enero 28-30 para sa 2-cock eliminations; Enero 31 hanggang Peb. 2 para sa 3-cock semis; Peb 3-4 para sa 4-cock pre-finals; at Peb. 6 ang 4-cock Grand Finals.
Ang bilang ng mga maghaharap sa finals ay pagbabasehan kung magkakaroon ng isang araw na pahinga. (MC)





Comments