“NAGASGAS LANG MATA KO,”- PACMAN HERO’S WELCOME, NAKA-READY NA


NAKAHANDA na ang pamahalaan ng Sarangani, maging ang mga empleyado ng gobyerno rito, daan-daang supporters na magtsi- cheer para sa pag-uwi sa bansa ni fighting Senator Manny Pacquiao sa isang Hero’s welcome base sa iskedyul ng boxing champ.
Samantala, wala naman daw dapat ipag-alala hinggil sa left eye injury ni WBA welterweight champion Pacquiao dahil gasgas lang daw ang naturang pinsala nang makaskas ng glove ni Adrien Broner sa laban nila noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada. Tiniyak ni Pacquiao sa lahat na hindi seryoso o malubha ang lagay ng kanyang mga mata at idinagdag na gagaling na ito matapos ang tatlo hanggang apat na araw, ayon sa panulat ng Philboxing.
“It’s okay, it’s just what my eyes are watering. It’s a scratch to my eyeball ... I’ve been through this with the right (eye). Now it’s on the left,” paliwanag naman ni Pacquiao sa GMA 7.
Una kasing napaulat na nagkaroon ng ‘detached retina’ ang boxing icon na maaring tumapos sa kanyang legendary career. Naiulat pang idinaing niya ang pananakit at panlalabo ng kanyang paningin noong Lunes ng umaga (Linggo sa U.S.)
May eye patch pa si Pacquiao sa kaliwang mata upang maprotektahan ito hanggang sa muli niyang pagpapa-tsek up kahapon sa Los Angeles. Si Sugar Ray Leonard, ay natapos ang makulay na career sa boksing dahil sa ‘detached eye retina.’
“There’s no clutter, it’s really a scratch, it’s just a bit of a medicine (needed)... It’s okay, God is good, we just have to rest, it’s easy to heal the scratch in the eyeball,” muling paliwanag ni Pacquiao na dumanas din ng parehong eye injury sa kanang mata noong nasa training ng laban bago ang Jeff Horn fight noong Hulyo 2017.
Ayon naman sa ibang report, walang aasahan na susunod na laban si Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) hanggang sa buwan ng Hulyo, iyan daw ay upang mapalawig pa ang pagpapagaling sa kanyang nagasgas na cornea. Nakaiskedyul siyang magbalik sa Pilipinas para tuparin muli ang kanyang trabaho bilang Senador. (MC)





Comments