top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tibo nagpanggap na tserman, tiklo

Mylene Alfonso
Jan 22, 2019
1 min read

HULI ang isang tibo na unang sinampahan ng kasong usurpation of authority matapos magpanggap na barangay chairman, kamakalawa sa Sampaloc, Manila.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-DPIOU sa kanyang bahay ang suspek na si Menchita Par, nasa hustong edad at nakatira sa Sampaloc, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Manila Metropolitan Trial sa Court Branch 12 Judge Anne Sia.

Kinasuhan si Par ng dalawang counts ng usurpation of authority ni Barangay Chairman Aniceta Co noong nakalipas na taon.

Dalawang beses na nagpanggap ang suspek na tserman ng Bgy. 526, Zone 52, sa Sampaloc.

Alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang maaresto si Par ng mga tauhan ng MPD.

Inirekomenda naman ng korte ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Par.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page