Sundalo todas sa mga armado
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay nang barilin ng mga armadong kalalakihan, kamakalawa sa bayan ng Sibuco sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang nasawing sundalo hangga’t hindi pa naipaaalam sa kanyang pamilya ang nangyari sa biktima.
Ayon sa ulat, nagtungo ang grupo ng biktima sa nasabing lugar para dakpin ang murder suspect na si Basiran Mudja, pero bigla silang pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.
Nabatid na tinamaan agad ng bala ang biktima na agad niyang ikinamatay, samantalang, tinutugis na ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na suspek.





Comments