PINOY GOLFER ABABA, KAMPEON SA ICTSI PRADERA VERDE CLASSIC
- Clyde Mariano
- Jan 22, 2019
- 2 min read

PINAKAMASUWERTENG golfer ngayong Bagong Taon si Jhonnel Ababa dahil sa pinagwagiang $17,500 mula sa total pot na $100,000 sa pangalawang sunod na taon sa ICTSI Pradera Verde Golf Classic at ginapi uli ang Australian na si Andrew Campbell sa “pitch and putt” sa gitna nang mainit na araw at malakas na hangin.
Taglay ang dating galing na nagdala sa kanya ng panalo ng nakaraang taon, muling ipinakita ng 34-anyos na tubong-Davao ang husay kontra sa 79 na golfers mula sa 19 bansa at isulat ang kanyang pangalan bilang unang Pinoy golfer na nakadalawang sunod na taon sa Philippine Golf Tour Asia sanctioned golf competition.
Tinalo ni Ababa sina Campbell at Filipino-German sa final 18 holes na pumalo ng 68 at nakaipon ng 278 kasama ang rounds 68-73-69 at dalawang shots ang kalamangan sa pumangalawang Australian na si David Gleeson na binulsa ang $11,500 dolyar na may kabuuang 280.
“Fantastic,” ang unang nabigkas ni Ababa matapos maipasok ang pimple na bola sa last hole via regulation. “Nang makuha ang lamang sa 14th hole, sabi ko sa aking sarili malaki ang pag-asang manalo at hindi nga ako nagkamali,” matapos mapagtagumpayan ang korona at itala ang pang-limang kampeonato kasama ang apat ng nakaraang taon.
Bigo man at malungkot sa pangalawang sunod na taon na kunin ang titulo kay Ababa, maluwag na tinanggap ni Campbell ang pagkatalo at pinuri ang conqueror na Pinoy. “He played real good. He is consistent in the final round. He’s a true champion. I have nothing to say but to praise him for his excellent game,” sabi ng long-haired na si Campbell habang naglalakad pabalik sa kanyang locker room. “I will go back to Australia and have some rest, then return to the Philippines to finish my unfinished business,” ani Campbell.





Comments