Pinasok sa CR | 7-ANYOS NA TOTOY, NI-RAPE NG KAANAK NA LALAKI
- Jeff Tumbado
- Jan 22, 2019
- 1 min read

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law in relation to Child Abuse ang isang lalaki matapos nitong gahasain ang pitong taong gulang na lalaki sa Claveria, Cagayan.
Sinadyang hindi pangalanan ng pulisya ang suspek dahil na rin sa kahilingan ng magulang ng batang biktima.
Base sa report ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), nangyari ang panghahalay nitong umaga ng Enero 11, habang naliligo sa banyo ang biktima.
Bigla umanong pinasok ng suspek ang biktima sa banyo at doon umano siya ginawan ng kahalayan. Matapos umano ang pangyayari ay binantaan pa ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong sa kanyang ina dahil may masamang mangyayari sa kanya.
Gayunman, nitong Enero 15, nagkaroon na umano ng lakas ng loob na magsumbong sa ina ang bata hanggang sa humingi na ng tulong ang mga ito sa pulisya.
Naabutan pa sa bahay ng mag-ina ang suspek na kanila palang kaanak na nagbabalot sa kanyang mga damit kung saan ay napigilan ang pagtakas nito ng mga rumespondeng pulisya.





Comments