top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Peace talks, ‘band-aid solution’ lang | CRIMINAL JUSTICE SYSTEM, DAPAT IREPORMA

  • Gina Pleñago
  • Jan 22, 2019
  • 1 min read

WALA umanong problema kay dating Interior and Local Government Secretary Rafael ‘Raffy’ Alunan III kung ipagpapatuloy ang lokal na usapang pangkapayapaan lalo pa’t naibabalik nito ang kaayusan partikular sa kanayunan.

Gayunman, naniniwala si Alunan na ‘band-aid solution’ o pansamantala lamang ang pagsasagawa ng usapang pangkapayaan dahil mawawakasan lamang umano ang rebelyon kung magkakaroon ng mabuting pamamahala, responsableng mamamayan at nasusustenang pag-unlad.

Aniya, ang unang dapat gawin ay ireporma ang criminal justice system upang maging matibay ang pagpapatupad ng batas at mabilis ang paghahatid ng katarungan na magiging daan naman upang maibalik ang katatagan, pagtitiwala at kumpiyansa, at maipakita ng mga Pilipino sa kanayunan ang kanilang pagiging malikhain at kakayahang makipagsabayan sa iba.

Kailangan umano na isang buong bansa ang magsusumikap at magtutulungan na magawa at maabot ang ganoong estado ng sistema sa paghahatid ng hustisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page