Mga batang naliligaw ng landas, imbes turuan ng tama, gustong kasuhan at ikulong, tsk-tsk-tsk!
- BULGAR

- Jan 22, 2019
- 2 min read
SA KAPISTAHAN NG STO. NIÑO, ANG TOPIC SA KONGRESO AY GAWING KRIMINAL ANG MGA MUSMOS—Habang ipinagdiriwang ang kapistahan ng batang Hesus, ang Sto. Niño, pinag-uusapan naman sa Kongreso na ituring na kriminal ang mga batang 9-anyos na makalalabag sa batas.
Mantakin n’yo, imbes na arugain ng gobyerno ang mga batang naliligaw ng landas sa paggawa ng bad at ituro sa kanila ang tama at mali dahil musmos pa sila, eh, ang gustong mangyari ng mga mambabatas ay sampahan ng criminal case at ikulong ang mga batang 9-anyos na makalalabag sa batas.
Ganyan ka-bad ang mga alagad ni P-Duterte sa Kongreso, mga buwisit!
◘◘◘
BATAS LABAN SA MGA BATA, ANTI-POOR—Anti-poor ang panukalang-batas ng Kongreso na ituring na kriminal ang 9-anyos na musmos kasi karamihan sa mga batang nakalalabag sa batas ay street children at nakatira sa mahihirap na komunidad na nagnanakaw para makakain dahil sila ay nagugutom.
Ang mga anak at apo ng mga mambabatas, ligtas sa batas na ‘yan dahil palagi silang may nakakain kasi mayaman sila.
Sana, ang gawing batas ng Kongreso ay pagsu-supply ng pagkain sa mga batang mahihirap upang hindi na sila magnakaw para makakain at hindi ituring na kriminal ang mga musmos na mahihirap, period!
◘◘◘
TULAD NI P-DUTERTE, ‘TUTA’ RIN DAW NG CHINA ANG PRESIDENTE NG SRI LANKA—Hindi kataka-taka ang pagpuri ni Sri Lanka Pres. Maithripala Sirisena sa drug war ni P-Duterte na kumitil na sa libu-libong buhay ng mga maralitang naligaw ng landas sa pagiging adik at tulak ng droga.
Tulad ni P-Duterte, “tuta” rin ng China ang presidente ng Sri Lanka, boom!
◘◘◘
MAYOR SANTIAGO AT PD BERSALUNA, ‘NGANGA’ SA ‘PAIHI GANG’ SA MARILAO—Balik-operasyon daw ang “Paihi Gang” ni “Garry” na ang raket ay magnakaw ng krudo sa mga oil tanker sa Bgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan.
Napakadelikado ang uri ng sindikato ni “Garry” kasi ang pagnanakaw nila ng krudo ay puwedeng pagmulan ng trahedya, pagsabog at sunog sa lugar na ‘yan, pero sa kabila nito, “nganga” lang sa raket ng “Paihi Gang” sina Mayor Tito Santiago at Bulacan PNP Director Chito Bersaluna, pwe!





Comments