top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lolo lasog sa van

Levi Gonzales
Jan 22, 2019
1 min read

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang lolo matapos mabundol ng van sa Maharlika Highway, Sitio Iringan, Bgy. Ibabang, Palsabangon, Pagbilao, Quezon.

Alas-6:30 ng gabi, minamaneho ni Jeorge Sabangan, 37, ng San Pedro, Laguna, ang van nang hindi nito napansin ang pagtawid ng biktimang si Gaudencio Merle, 67, residente sa nasabing lugar. Tumilapon ng ilang metro ang biktima kaya nabagok at nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van na mahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page