KAHIT HIGIT PA SA $600-M KIKITAIN BOMALABS ANG PACMAN-FLOYD 2


MASYADO yata tayong makukulit kay Floyd Mayweather Jr. kung papayag ba siya sa paghamon maging ang Showtime telecast ay nangungulit hinggil sa pinakaabangang rematch nila ni Manny Pacquiao.
Bagamat tapos na ang Pacquiao-Adrien Broner bout at hindi na kinulit noon si Mayweather dahil nasa ilalim ng kanyang promosyon ang Cincinnati native.
Iyong pang-uurirat uli ay nangyari nang lubusang masaktan sa 7th at 9th round si Broner at tila nakaabang na ang pang-apat niyang pagkatalo sa kanyang career sa kasagsagan ng kanilang WBA welterweight championship fight noong Linggo sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.
Bumaling na lang uli sa pangungulit ang media kay Leonard Ellerbe, ang CEO ng Mayweather Promotions at isa sa malapit na kaibigan ni Mayweather dahil isa rin siya sa umaayaw na makasagupa si Pacman.
“No. He’s retired,” mariin na namang tanggi ni Ellerbe sa post-fight press conference na lumabas sa Philboxing. “He has no interest in doing that.”
Nang tanungin uli ng reporter kung si Mayweather ay maaaring kumita na naman ng limpak na limpak na salapi sa rematch kay Pacman, pinaalalahanan ni Ellerbe ang mga naroon na bagamat pera rin talaga ang habol ni Floyd, hindi raw iyon ang importante ngayon sa buhay niya. “Well, it’s not always about the money, believe it or not,” paliwanag ni Ellerbe. “It’s not always about the money. What more can the man do? You know, he doesn’t have the motivation, the desire. You know, he’s living his best life. Traveling, running his multiple businesses, spending his hard-earned money, that he spent blood, sweat and tears many, many years (making).”
Isa na namang reporter ang nangulet at baka raw bumalik ang tendensiya na mabagot si Mayweather sa buhay at hahanap-hanapin ng katawan nito ang pagbo-boksing.
“Well, he’ll be 42 come February 24th and, you know, enough is enough,” saad ni Ellerbe. “You know, what good does it do you to earn all that money, when you can’t stick around and spend it? You know, he’s had a phenomenal career. He’s broke all the records. He has nothing else to prove. I’m very happy for him.”
Mula na rin sa mga ganitong senaryo nang pamimilit kay Mayweather (50-0, 27 KOs) na kung sakaling babalik sa ibabaw ng ring sa ikatlong pagkakataon, pinaniniwalaan na ang undefeated five-division champion ay madaragdagan pa ang kanyang kinitang $250 million nang magwagi laban kay Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) noong Mayo 2015 sa MGM Grand Garden Arena. Iyon na ang pinakamalaking kinita sa boksing sa kasaysayan ng sport sa halagang $600 million sa overall revenue at nakapagtala ng record 4.6 million pay-per-view buys. (MC)





Comments