top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Imbes na tanggalin ang Angkas, pagtulungan na lang para maging maayos, ganern!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2019
  • 2 min read

ISA tayo sa nakikiisa sa mga friendship natin na pasahero o regular customer ng ride-hailing company na Angkas kasi naniniwala tayo na parang tinanggalan natin ng karapatan ang ating mga kababayan ng mas murang paraan para makaiwas sa matinding trapiko.

As you can see, hindi pa rin magkamayaw ang tindi ng traffic sa Metro Manila. Pahirapan naman ang pagsakay sa MRT at LRT na siyang pinanini­walaan nating fastest way para makarating sa ating mga trabaho o eskuwe­lahan. Bago pa tayo makarating sa pupuntahan natin, parang ang dugyut-dugyot na ng hitsura natin bukod pa sa pagiging sobrang pagod.

Mahal naman kung magta-taxi, lalo na kung magga-Grab. Medyo may kamahalan din ang P2P buses na hindi uubra sa budget ng worker na minimum lang ang suweldo.

Kaya ang nakikitang paraan para sa mabilis na pagbiyahe at mura pa ay ang Angkas tapos big­lang may TRO na hindi pina­payagang bumiyahe mula pa noong Dis­yembre.

Bukod dito, mara­ming mamamayan ang nakakita ng disenteng kabuhayan ang biglang nganga na lang dahil sa TRO na ito.

Bagamat, hindi natin isinasantabi ang isyu ng kaligtasan ng rider at pasahero nito, roon na papasok ang pamahalaan, ang bumuo ng safety net para maging ligtas ang nasabing pagsakay sa ganitong uri ng trans­portasyon. Tulad ng pagiging mahigpit sa mga rider at driver — kapag pasaway at maraming traffic violations, tsugi­hin agad. Dapat din maging kritikal ang mga pasahero nito, kung nakita nilang kaskasero, walang pag­galang sa batas-trapiko, i-report at irekomenda na sibakin!

Puwede naman pagtu­lungan para maging maayos at ligtas ang ganitong uri ng trans­portasyon na magiging kaakibat ng mamama­yan. Sana, maunawaan ito ng Korte Suprema

◘◘◘

Dahil motor din lang naman ang pinag-uusapan natin, super thankful talaga tayo sa kabaro natin na si Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa walang humpay na suportang ibinibigay niya sa inyong Manang Imee.

Jusko, napasakay tuloy tayo ng motorsiklo na siya mismo ang nag­maneho. Sobra tayong kinabahan pero kering-keri lang ng manang ninyo. Enjoy palang sumakay ng motor, lalo na kung babae ang rider, ang galing!

Daldalera raw tayo, which is true naman, pero nakatutuwa na number 1 tayo para sa kanya. Basta, isang magandang experience ang maka­sakay ng motor na ang driver ay babaeng tulad natin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page