House majority leader, pinalitan na

MAY bago nang majority leader ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ni Capiz Congressman Fredenil Castro.
Sa kanyang manifestation sa plenaryo, inihayag ni Congressman Rolando Andaya, Jr., ang pagbaba sa posisyon at nominasyon para kay Castro na tinanggap naman ng mambabatas.
Si Andaya na ang mauupo bilang chairman ng Appropriations Committee habang magiging pinuno ng Rules Committee si Castro.
Kamakailan ay umugong ang umano’y pagpapatalsik kay Andaya sa posisyon pero, itinanggi ito ng liderato ng kapulungan.
Ang pagbaba ni Andaya bilang majority leader ay bahagi ng napagkasunduan umanong term-sharing ng dalawa.
Mayroon na lamang walong session days ang Kongreso bago mag-adjourn upang bigyang-daan ang midterm elections sa Mayo.





Comments