Galawan ni “SPO4” para makakuha ng tongpats, buking!
- BULGAR

- Jan 22, 2019
- 2 min read
MASAMA ang loob at tila may kimkim na galit sa kanilang dibdib ang majority ng kapulisan at non-uniform personnel (NUP) sa isang distrito sa Kalakhang Maynila ang lumapit at lumuluhang nagsalaysay ng kanilang reklamo laban sa kanilang opisyal na may ranggong SPO4 na nagtse-check ng kanilang attendance na kahit present ang pulis at NUP sa kanilang mga unit at opisina ay kanya itong minamarkahan ng absent na kapag nalaman ng personnel involved ay nilalayasan daw nito para habulin o hanapin siya at kapag nakita raw ang opisyal na ito na itago natin sa pangalang “SPO4 Magpaliwanag ka.”
Ito ang modus ni “SPO4 Magpaliwanag ka” na kapag hindi niya tanggap o hindi siya satisfied sa paliwanag ng pobreng personnel ay alam n’yo na ang kapalit sa paliwanag — “maglagay ka ng tongpats o padulas”.
Ayon pa sa sumbong, tulog pa raw ang Diyos ay bumibiyahe na nang maaga ang mga personnel ng sikat na distrito para lang hindi sila mahuli sa formation o attendance nila pero matindi raw ang pangangailangan ng balasubas na si “SPO4 Magpaliwanag ka” kung anu-anong katarantaduhan ang ginagawa nito tulad nang paglayas at pagtatago sa mga pulis at NUP para hanapin siya at magkaroon ng “transaksiyon” sa isang kuwarto ng headquarters. Pwe!
Dagdag pang sumbong, napakalupit daw ni “SPO4 Magpaliwanag ka” dahil kapag wala o hindi makapagbigay ng padulas ang kaawa-awang pulis at NUP sa kanya ay panghabambuhay daw na markadong absent ang biktima. Pwe ulit!
May isang unit o departamento pa raw sa headquarters o kampo ang sinabihan ni SPO4 Pitsa, este, “Magpaliwanag ka” na kalahati raw ng personnel nito ay palaging absent kaya hindi nalulutas ang mga kaso ng patayan. Ibig sabihin, kung wala kang pitsa o padulas, absent ka! Toto kaya ito? Pwe na naman!
Alam kaya ng kanilang tatay o district director ang raket ni SPO4 Pitsa, este, “Magpaliwanag ka” sa kanyang kapulisan at NUP na matagal nang nagpipinetensiya sa kanyang bahay? Malayo pa naman ang Mahal na Araw, ah?
Ikaw kaibigan, anong sey mo?
Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments