'Di raw inggit sa utol na si Alex na may 2.6 million subscribers…TONI, MAGBA-VLOG NA RIN

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

DALAWANG dekada nang nasa mundo ng entertainment industry ang aktres na si Toni Gonzaga, at sa taong ito ay masaya niyang ibinahagi sa lahat na sisimulan na rin niyang gumawa at mag-produce ng vlog sa kanyang YouTube channel.
Isa si Alex Gonzaga (nakababatang kapatid ni Toni) sa mga artistang gumagawa ng vlog at mabentang-mabenta ito sa madlang pipol dahil meron na siyang 2.6 million subscribers.
Hindi dahil sa inggit kaya gumaya si Toni, pero dahil gusto niyang i-challenge ang kanyang sarili na gumawa ng mga kakaibang bagay.
Sey ni Toni, “Today, January 20, 2019, I have decided to welcome you to my YouTube channel. I have dedicated a huge part of my life to the entertainment industry. This year, as I celebrate my 20 years of entertaining people, I now am challenging myself to do something different.”
Kabaligtaran sa personality ni Alex na kalog at palaging patawa, napakaseryoso at mahinhin naman si Toni na mahahalata sa kanyang unang vlog.
Mukhang napakaseryoso ng mga ipapakita ni Toni sa kanyang channel dahil magpo-focus ang kanyang mga vlog sa mga adventures niya bilang ina, asawa, kapatid at anak.
Aniya, “This channel is not about what I do for a living. This is all about me living, living my best life now with my family and with Seve, who changed my world completely.
“What I’ve been through, what I am going through and the beautiful adventures ahead of me as a first time mom, a working mom, a wife, a sister and still a daughter to my parents.”
Mukhang mas may sense talaga ang magiging vlog ni Toni kumpara sa vlog na iniri-release ni Alex, at aminado rin dito ang nakababatang Gonzaga.
Ani Alex, “She has a VLOG!!!! Sigurado, mas may sense ‘to kumpara sa ‘kin. Teka, sana nag-Friendster na lang siya.. #Linkinmybio.”
Gayunman, klik din sa madlang pipol ang vlog ni Toni dahil malapit nang mag-300 thousand ang views nito kahit unang araw pa lang.





Comments