Broner, bugbog-sarado na kay Pacquiao, pumapalag pa, he-he-he!
- BULGAR

- Jan 22, 2019
- 2 min read
DAHIL panalo ni Sen. Manny “Pacman” Pacquiao, wala na siyang talo sa pagka-bise-presidente sa 2022.
Pero, nilinaw niyang hindi raw siya kakandidato!
◘◘◘
TINALO ni Sen. Pacquiao si Adrien Broner.
Pero, pumapalag pa si Broner kahit bugbog- sarado!
◘◘◘
HINIHINTAY ni Sen. Pacquiao ang sagot ni Floyd Mayweather, Jr. kung maghaharap sila.
Pero, wala pang linaw!
◘◘◘
Nine-figures ang premyo na iniyayabang ng kampo ni Mayweather sakaling matuloy ang “super mega bout”.
Ibig sabihin, pinakamababa ang 100 milyong dolyar ang makukubra ng bawat boksingero!
◘◘◘
Sobrang laki ng magiging premyo at mahihirapang pantayan sa kasaysayan.
Manalo o matalo sina Sen. Pacquiao at Mayweather, tatalunin nila ang sinumang pinakamayaman sa kanilang bansa!
◘◘◘
Sa Pilipinas, higit na malaki ang value ng kikitain ni Pacquiao kasi ang palitan ay P54 kada dolyar.
Wala silang katalu-talo anuman ang resulta ng laban!
◘◘◘
Parehong nagdarasal ang magkabilang kampo na matuloy at hindi madiskaril ang usapan.
Pareho silang mawawalan ng isang dambuhalang kayamanan!
◘◘◘
Ang masakit, hindi kasama sa usapan si Bob Arum sapagkat ang mag-uusap ay ang personal na pag-aaring promosyon ng dalawang world greatest fighters of the century.
Nagtayo ng sariling promosyon ang dalawang boksingero upang hindi mapaglaruan ng boxing mafia!
◘◘◘
Nagtagumpay ang professional boxer mula sa pagdidikta ng mga mafia taliwas sa ibang sport na patuloy na iminamaniobra ng mga sindikato.
Inaasahang sa susunod na taong 2020 ang paghaharap ng dalawang dakilang boksingero.
Aangat na naman sa mapa ng daigdig ang pangalan at watawat ng Republika ng Pilipinas!
◘◘◘
Magiging multi-bilyunaryo si Sen. Pacquiao sa susunod na taon, dalawang taon bago ang pinanabikang 2022 Presidential Elections.
Sa totoo lang, walang talo si Pacquiao kung kakandidatong bise-presidente saanmang partido siya mailagay!





Comments