top of page
Pokwang.jpg

Ayuda sa mga tsuper at operator, tapusin na plis!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2019
1 min read

IPINAKILALA ang programang Pantawid Pasada para tulungan ang mga jeepney driver at operator na harapin ang problema ng pagtaas ng presyo ng gasolina. Maganda ang layunin ng programang ito kaya nakalulungkot malaman na wala pa sa kalahati ng intended beneficiaries ang nakatatanggap ng ayudang ito.

Napag-alaman natin sa budget hearing para sa budget ng Department of Transportation ngayong 2019 na sa 171,000 beneficiaries, 69,000 pa lang ang nakatatanggap ng kanilang Pantawid Pasada card.

Karamihan sa mga jeepney driver at operator ay umaaray dahil hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda na inaasahan nila, lalo na at inaasahang muling tataas ang presyo ng gasolina bilang epekto ng second round ng excise tax increase sa produkto ng petrolyo ngayong buwan.

Kaya nananawagan tayo sa DOTr na madaliin ang pagbibigay ng Pantawid Pasada cards.

Bukod pa rito, nararapat na i-monitor din kung nagagamit ba nang maayos at ayon sa intensiyon ng programa ang ayuda.

Marami sa mga kababayan natin ang umaasa sa jeep para sa pangunahing transportasyon.

Being a key public service, we cannot afford jeepney operations to be derailed.

Kaya nararapat lang na suportahan sila at tulungan na mabigyan din ang sarili nilang mga pamilya ng disenteng pamumuhay.

◘◘◘

Congratulations kay Senator Manny 'Pacman' Pacquiao sa pagkapanalo niya ng WBA Welterweight Belt laban kay Adrien Broner.

Ipinagmamalaki ka namin, “Pacman”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page