top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 kelot dedo, 1 sugatan sa ambush

Pabs Hernandez III
Jan 22, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Dalawang lalaki ang namatay at isa pa ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Macaguiling, Sultan Kudarat sa lalawigang ito.

Hindi pa nakikilala ang dalawang nasawi, samantalang, ang sugatan ay kinilalang si Nasser Sanday, nakatira sa Bgy. Nituan, Parang sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page