Solusyon sa trapik | TAX INCENTIVES SA MGA NEGOSYANTENG MAMUMUHUNAN SA LABAS NG METRO MANILA
- Lourdes Abenales
- Jan 21, 2019
- 1 min read

BILANG solusyon sa lumalalang trapik sa Metro Manila at iba pang lungsod, nanawagan si dating Senate President Juan Ponce Enrile na magbigay ng insentibo sa buwis.
Ito ang manghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan sa labas ng Metro Manila. Aniya, hindi magiging sapat ang pagdaragdag ng mga imprastruktura sa ilalim ng programang ‘Build, Build, Build’.
Ang gagastusin umano sa pagbibigay ng mga insentibo sa buwis upang dumayo sa labas ng Maynila ang mga negosyante ay magiging mas mababa kumpara sa kasalukuyang ginagastos para sa dagdag na imprastruktura.





Comments