Rider sumalpok sa poste, dedbol
- Gina Pleñago
- Jan 21, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang rider makaraang bumangga sa poste ng kuryente sa Pasay City.
Kinilala ang nasawi na si Crispin Dotimas Ramis, 38, ng Pitogo Gaudalupe, Makati City, sanhi ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay SPO3 Ricky Morillo, naganap ang insidente sa kahabaan ng C-5 Extension, alas-3:15 ng hapon, kamakalawa.
Minamaneho ni Ramis ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang silangang direksiyon ng C-5 Extension nang sumalpok ito sa kongkretong poste.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.





Comments