top of page

PACQUIAO, 40 NA, NANATILI PANG GREATEST FIGHTER IN THE WORLD!

  • MC / Clyde Mariano
  • Jan 21, 2019
  • 3 min read

MULING ipinakita ni 8th divisions world boxing champion Pacquiao na taglay pa rin niya ang bilis at lakas lalo na iyong hindi naniniwala sa kanyang kakayanan at sa edad 40 ay muli niyang ginulantang ang boxing world.

Hindi kumupas ang kanyang mala-kidlat na mga suntok at ekselenteng footwork na nagbigay sa kanya ng walong titulo at nagpasuko sa mga sikat na boxers tulad ng mga malalaking sina Oscar de la Hoya, Antonio Margarito, Erik Morales, Miguel Cotto, Ricky Hatton at Shane Mosley. Dinomina ni Pacquiao ang 12 rounds title showdown at walang awang binugbog si Broner sa harap ng kanyang mga kababayan.

Tinuruan ni Pacman si Broner ng boxing lesson sa loob ng 12 rounds. Dalawang beses muntik nang bumagsak si Broner sa 7th at 9th rounds. Napilitang yumapos si Broner para hindi bumagsak at maiwasan ang mga suntok ni Pacquiao.

Ang panalo ay pang 61 wins na ni Pacman at pinalasap kay Broner ang pang-apat na kabiguan sa una niyang pakikipag­labanan sa Pinoy boxing icon para mabigong agawin ang korona kay Pacquiao.

Binigyan ng warning ni referee Mora si Broner sa second round dahil tinukuran ng challenger ng kanyang kanan na siko ang baba ni Pac­quiao habang pinaghihi­walay ang dalawa. Tiningnan nang masama ng Pinoy si Broner sa kanyang ginawa.

Mali ang moni­cker ni Broner “The Problem” na dapat pasa­ki­tin ang ulo ni Pacquiao pero ang Ka­no ang si­yang nag­karoon ng sakit sa ulo sa lo­ob nang 12 rounds bagamat panay ang ilag at takbo niya sa ibabaw ng ring ay nagulpi pa rin siya ni Pacquiao at muntik pang ma-knockout kaya napilitang yumapos para hindi bumagsak sa parang “machine gun” na suntok ni Pacquiao pagdating sa 7th round. Sa 9th round, muntik bumagsak matapos tamaan ng left cross sa panga si Broner at yumapos na naman. Sa kabila nang lamang sa timbang at mataas, takot lumaban si Broner nang sabayan at laging tumatakbo bawat round sa takot na mapuruhan at ma-knockout ng defending champion na walang kapaguran sa paghabol sa tumatakbong mayabang na challenger sa ring.

Ito ang pangalawang sunod na panalo ni Pacman matapos pusukuin si Lucas Mat­thysse ng Argentina ilang buwan ang nakaraan na ngayon ay sinalubong ang bagong taon ng 2019 na may malaking panalo kontra dating WBC champion na si Broner. “I show to the boxing world and those doubting me I still possessed the boxing savvy at my age. Age is just a number. It doesn’t matter,” sabi ni Pacquiao.

Ang pang 61 na panalo muli niyang pinatunayan sa boxing world na taglay pa rin niya ang “boxing magic” naglagay sa kanyang pangalan sa boxing bible na one of the greatest boxers on the universe.

Samantala sa iba pang undercard fights, nakuha ni two-time Olympian Noudine Oubaali ng France ang korona sa World Bantamweight nang talunin si Rashee Warren ng Ohio sa unanimous decision habang naungusan ni Sinaloa native Hugo Ruiz ang kapwa Mehikano na taga-Tijuana na si Alberto Guevara via unanimous decision na naging kapalit ni Pinoy Jack Tepora na kinansela ang laban dahil sa pumalyang timbang.

Nasayang ang pagkakataon para kay Te­po­ra na labanan sana si Ruiz dahil napakawalan niya ang halagang $50,000 na nagkakahalaga sana ng higit sa P2.5M ang kanyang mate-take home, manalo o matalo man. Sa ganang atin ay hindi na sana pina­lampas pa ni Tepora ang pinakamalaking laban na iyon sa kanyang karera bilang undercard fighter dahil ang timbang ay napaghahandaan pa ng maraming buwan at awtomatikong kada araw ay sinusuri niya ang kanyang bigat upang hindi mapalampas ang tsansa na iyon. Sayang at nahubaran sya ng titulo

Nagwagi si Ruiz sa naging kapalit niyang kalaban kaha­pon. Napasakamay din ni undefeated Marcus Browne ang korona sa light heavyweight nang talunin si Badju Jack.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page