May-ari ng SM, pinakamayaman sa ‘Pinas | HENRY SY, PUMANAW NA
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 1 min read

NAMATAY sa edad 94 ang founder ng SM na si Henry Sy.
Sa paunang ulat, namatay si Sy sa kanyang pagkakatulog.
Ipinanganak noong December 25, 1924 sa Fujian, China, na nakilala bilang innovator sa larangan ng retail industry sa bansa.
Naiwan ng kilalang negosyante at philantropist ang kanyang asawa na si Felicidad Tan at ang mga anak na sina Teresita Sy-Coson, Hans T. Sy, Harley T. Sy, Elizabeth T. Sy, Herbert T. Sy at Henry T. Sy, Jr.
Kabilang sa mga subsidiary ng SM Group of Companies ang SM Prime Holdings, SM Retail, SM Land, Banco de Oro At China Banking Corporation.
Sa loob ng labing-isang taon, napanatili ni Sy ang record bilang pinakamayamang Filipino.
Sa tala ng Forbes, si Sy ay may estimated net worth na $19 billion.
Samantala, wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa burol at petsa ng libing ng nasabing negosyante. (BRT)




Comments