Matapos gibain si Broner Pacman, tuloy ang laban


NGITI lang ang isinukli ni Floyd Mayweather Jr., nang agaran siyang hamunin ni Manny Pacquiao habang nasa ibabaw ng ruwedang parisukat matapos muling angkinin ang korona ng WBA welterweight world championship sa unanimous decision win ng 12-round 147 pound bout nila sa dinumog na MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kahapon.
Nasa ringside si Mayweather kasama ang may 13,065 na manonood nang isang ngiti at isang peace sign lang ang isinagot nito sa tanong ng Showtime ringside announcer na si Jimmy Lennon mataas na itaas ni referee Russell Mora ang kamay ni Pacquiao kung ibig ba nitong sa susunod na laban ni Pacman ay siya na ang makahaharap nito.
Unang sinagot ng Senator fighter na may 70 nang kabuuang laban bilang professional fighter ang postfight interview na wala pa siyang balak na magretiro at may dalawa pa siyang nakaline-up na laban bagamat edad 40 na siya. “I don’t feel I’m about to retire. I have still the strength and the power to fight for two more,” aniya nang muling ianunsiyo ang fight card niya mula sa tatlong judges na may scorecards na 117-111, 116-112 at 116-112.
Sinunod lamang din daw ni Pacman ang payo sa kanya ng kanyang trainer at kababatang si Buboy Fernandez na kung uupak ang nag-ahit na si Adrien Broner ay balikan niya ito ng malulupet na counter punches at mas dapat agresibo siya sa laban dahil sa mas may edad siya kaysa sa 29-anyos lamang na Cincinnati native na mamang itim.
“I thank God, because I’m can still capable to give counter strong power punches to my opponent, considering that he (Broner) is younger than me.
Thank you also to my trainer, who gave me the right advise to control the fight up to the last round,” sambit agad ni Pacman habang pinupunasan sa kabilang ring ang duguang bibig at ilong ni Broner habang siya ay parang may kamot lamang ng pusa sa ilalim ng kaliwang mata. “I wanted to push more but my trainer said don’t be careless,” dagdag pa ni Pacquiao. “Wait for him, counter, and that’s what I did.”
“I proved in my last fight against (Lucas) Matthysse and now I proved it again: The Manny Pacquiao journey will still continue,” ani Pacquiao. Iniskoran ni Showtime Sports official scorer Steve Farhood ng 118-110 pabor kay Pacquiao (61-7-2, 39 KOs), habang si Broner (33-3-1, 24 KOs) ay nakalamang lang sa 4th at 10th rounds.
Sa kabilang banda naman nang ibaling ni Lennon ang mikropono kay Broner ay nagsimula na itong magmumura at tila hindi niya matanggap ang naging desisyon, “I feel that I’m the winner in this fight! I gave all my best!” “I beat him.” “Everybody out there knows I beat him. I controlled the fight, he was missing. I hit him clean more times. I beat him.”
Nanatili ang malakas na pace ni Pacquiao, nakapagbitaw ng 47 punches kada round kumpara kay Broner na 3 lamang. Iniskoran nina Judges Tim Cheatham (116-112), Glenn Feldman (116-112) at Dave Moretti (117-111) si Pacquiao.
Ayon sa CompuBox unofficial statistics, nakapagpadapo lamang si Broner ng 50 overall punches sa loob ng 12-round bout. Higit na pumabor ang CompuBox kay Pacquiao dahil sa 62 na overall punches nito. (112-to-568 to 50-of-295). Nagpadapo naman si Broner ng mga power punches na (82-of-197 to 39-of-180) at jabs (30-of-371 to 11-of-115). (MC)





Comments