JoshLia, after pataubin ng bida ng Onanay… ANGEL, PANTAPAT NG DOS KAY JO BERRY NG SIYETE
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 2 min read

IBANG klase ang acting appeal sa mga televiewers ng Onanay cast like Superstar Nora Aunor, Jo Berry, Cherie Gil, Mikee Quintos, Kate Valdez, Gardo Versoza, Wendell Ramos at iba pa dahil na-Lotlot de Leon (read: talo) nila sa TV ratings ang seryeng Ngayon at Kailanman nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Nagwakas na sa mundo ng telebisyon ang NAK pero patuloy sa pag-ere gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes ang Onanay sa Kapuso primetime and we heard na extended pa ito up to March. Bonggey!
Kakaiba raw kasi ang tema ng istorya ng Onanay na ngayon lang sumibol sa mundo ng telebisyon at ilang showbiz in the know ang nagsabi pa na kung itey daw ang inilaban sa Ang Probinsyano ni Coco Martin ay malamang bakbakan sila sa TV ratings to the max ‘coz nakakasawa na raw ang sobrang action at bakbakan.
Kakaiba raw kasi ang charisma lalo na ni Jo Berry na masasabing ISMOL BUT TERIBOL.
Nangako si Jo Berry na gumaganap sa karakter ni Onay na mas marami pang exciting episodes ang dapat abangan sa Onanay.
“Happy po ako sa show na ito, sa character ko, sa mga katrabaho ko at lalung-lalo na sa lahat ng sumusuporta sa Onanay. Thankful po kami sa kanilang lahat. Marami pong revelation na magaganap sa mga susunod na episodes kaya sana po, hindi sila magsawang manood.”
And take note, sa press set visit namin sa Onanay last week ay napansin ni yours truly na may engagement ring sa kanyang kaliwang daliri si Jo Berry na singliit din ng kanyang mga daliri.
Sabi niya, nagka-boyfriend na raw siya ng normal na lalaki.
Wow, buti pa siya, ha?!
Well, some guys have all the luck, anuman ang anyo, height, it really doesn’t matter when love strikes your heart, pak ganernn!
Makakatapat ng Onanay ang serye ng sinasabing kahawig ni Kate Valdez na si Angel Locsin nu’ng medyo bata-bata pa noon ang dating Kapuso actress. Kahawig din ni Kate si Liza Soberano kaya hindi na kami magtataka kung si Kate ang susunod na gaganap na Darna, sa true lang.





Comments