top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ilang motorista, umalma sa pagsasaayos ng Rockwell Bridge na nagkokonekta sa Makati at Mandaluyong C

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2019
  • 2 min read

HINDI na bago ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, establisimyento at marami pang iba.

‘Yun nga lang, karamihan sa mga ito, eh, palpak at tumatagal pa ng ilang buwan o taon bago matapos na nagiging dahilan ng matinding trapik at abala sa kalsada.

Kasabay nito, ang matagal nang inaanunsiyong pagsasaayos sa Rockwell Bridge na nagkokonekta sa Makati at Mandaluyong Cities ay mukhang matutuloy na kung saan aabot sa 100,000 motorista ang maaapektuhan, kaya marami sa kanila ang umalma at sinabing hindi nila naiintindihan kung bakit aayusin ang tulay kahit wala naman silang nakikitang problema rito.

Base sa paliwanag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang nasabing bridge repair ay Chinese grant kung saan mayroon itong design at plano kung paano aayusin ang structure.

Kung dati ay 2 lanes lang ang nasabing tulay ay magiging 4 lanes na ito kaso ang mga kalsada pagtawid ng tulay ay 2 lanes lamang. Paano kaya ‘yun? Hindi ba, mas magiging sanhi ito ng matinding trapik?

Dagdag pa rito, aniya, maglalagay umano ng traffic enforcers sa nasabing lugar o kaya ay agahan na lamang ang pag-alis sa bahay nang sa gayun ay hindi maipit sa matinding trapik.

Pero, ‘yung sinasabing para hindi matrapik at ma-late ay agahan na lamang ang pag-alis sa bahay ay hindi na epektibo dahil kahit na anong pag-a-adjust ang gawin ng mga Pilipino, kung trapik talaga, finish na! Lalo na at patuloy na nadaragdagan ang mga motorista.

Sa totoo lang, nakaaawa ang mga motorista, imbes na oras na sana para sa pamilya at pagpapahinga, eh, nailaan lang nila sa kalsada. Tsk!

Samantala, bakit hindi muna kaya lakihan ang mga kalsada bago ayusin ang tulay na hindi malinaw ang paliwanag kung para saan? Ito ay suhestiyon lamang, nasa sa inyo na kung inyong pakikinggan. He-he-he!

Kaya ang panawagan natin sa mga namamahala sa pagsasaayos ng tulay, sana, pag-aralan pa ninyo ito nang mabuti dahil hindi biro ang 30 buwan o 2 taon at mahigit na paghihintay bago magamit itong muli.

Gayundin, hiling natin na sana ay wala itong koneksiyon sa nalalapit na eleksiyon. Hmmm…

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page