Go at "Bato", sabit sa paggamit sa gobyerno para sa kandidatura, nangangamoy kulong?
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 2 min read
IMBES SA SENADO, BAKA SA SELDA MAPUNTA SINA “BONG” GO AT GEN. “BATO”?—Iniimbestigahan na ng Comelec ang kumakalat sa social media na text screenshot gamit ang 8888 gov’t hotline na may nakasaad umanong “Pit Senyor! GO tayo laban sa droga, itaga n’yo sa BATO!”
Kapag napatunayan ng Comelec na ginagamit nina ex-SAP Christopher “Bong” Go at ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang “8888 hotline” na pag-aari ng gobyerno para sa kanilang kandidatura ay baka sa kulungan sila mapunta at hindi sa Senado.
Nakasaad sa batas na ang pulitikong ginagamit ang public funds at pasilidad ng gobyerno sa kanilang kandidatura ay election offense na may katumbas na 6 taong pagkabilanggo, nakupo!
◘◘◘
P-DUTERTE, HINDI PINANOOD SA U.S. ANG LABAN NI “PACMAN” KASI BAKA KUYUGIN SIYA NG MGA SUPPORTER NI EX-U.S. PRES. OBAMA—Kung sa Malaysia, nagpunta si P-Duterte para personal na mapanood ang laban noon ni Sen. Manny Pacquiao kay Argentinian boxer Lucas Matthysse, hindi naman nagtungo sa U.S. ang pangulo para panoorin ang bakbakang “Pacman” at American boxer Adrien Broner.
Siguro, kaya hindi nagpunta sa Amerika si P-Duterte para panoorin ng personal ang laban ni “Pacman” kasi takot siyang kuyugin ng mga tagasuporta ni ex-U.S. Pres. Barack Obama na minura at ininsulto niya nang sabihin niyang maitim, arogante at mayabang ang dating pangulo ng Amerika, boom!
◘◘◘
KUNG LOVE NG MGA PINOY ANG AMERIKA, HATE NAMAN NILA ANG CHINA?—Sa survey na inilabas ng Pulse Asia noong Jan. 15, 2019 tungkol sa mga bansang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy ay nanguna ang Amerika at ang pinakakulelat ay China.
Dahil diyan, huwag nang ipilit ni P-Duterte sa mga Pinoy na “good friend” ang China kasi kung pagbabasehan ang survey ay mas love ng mga Pinoy ang U.S. at hate naman nila ang China, period!
◘◘◘
CIDG-SOUTH FIELD OFFICE, IPINANGONGOLEKTA NG ‘TONGPATS’ NI ‘JUN CRUZ’—Ginagamit daw ng isang “Jun Cruz” ang pangalan ni Supt. Relatibo ng CIDG-South Field Office para makapangolekta ng “tongpats” sa mga iligalista sa southern part ng Metro Manila.
Dapat patunayan ni Supt. Relatibo na wala siyang alam sa raket ni “Jun Cruz” sa pamamagitan nang pagpapaaresto sa “tongpats” collector na ito, abangan!





Comments