Comelec, aminadong inutil sa mga nangangampanya nang patagilid
- BULGAR

- Jan 21, 2019
- 1 min read
NAGWAGI sa unanimous decision si Sen. Manny 'Pacman' Pacquiao.
Congrats!
◘◘◘
NASAPOL ng kaliwa ni Sen. Pacquiao ang kalaban, pero hindi ito bumulagta, na out-balanced lang.
Kung noong panahon ng kanyang kabataan, tiyak na tulog si Broner!
◘◘◘
KAYRAMI nang nangangampanya nang patagilid.
Aminado ang Comelec na inutil sila!
◘◘◘
HINDI pa rin napagtitibay ang 2019 National Budget.
Eh, bakit?
Sino ang tamad?
◘◘◘
HINDI raw buntis si Anne Curtis.
Ano ang paki natin d’yan?
◘◘◘
AYON kay Adrian Broner, siya raw ang nagwagi.
‘Yan siguro ang ipinangako sa kanya ng mga sindikato sa Las Vegas!
◘◘◘
WALA raw plano si Sen. Pacquiao na kumandidatong pangulo.
‘Yan mismo ang sinabi ni P-Digong bago siya nag-substitute!
◘◘◘
NILINAW ni Sen. Pacquiao na may ibubuga pa siya.
Tanging si Jinkee lang ang makapagpapatotoo n’yan!
◘◘◘
NA-HACKED ang server ng Cebuana Lhuillier.
Nabibisto kung sino ang madalas magsanla!
◘◘◘
DUMARAMI na naman ang magnanakaw sa paligid.
Dapat nang kumilos muli sina Batman at Robin ng PNP!





Comments