Ang aking habambuhay Ni Aling Toyang

Madalas nakatingin sa mga ulap,
hinahanap kung sino nga ba ang karapatdapat.
Nalilito na ako sa rami ng nakaharap, hindi
ko na alam kung sino ba ang sasapat.
Oo, mahirap! Mahirap maghintay na walang kasiguraduhan,
Nag-aabang sa walang hanggan kahit wala namang nagpaparamdam.
Paano kaya ito? Tumatanda na ako, mahahanap ko pa ba
ang taong mag-aalaga at magpapatibok ng puso ko?
Naghahanap sa nakaraan, pero halos lahat sila ay nakahanap
na ng kani-kanyang pagmamahal.
Masaya at sigurado ng may makakasama, nakatutuwa
hindi ba?
Kinukuwestiyon ang sarili, “nagseryoso at nagmahal ako ng tapat,
pero bakit ngayon ako ay salat?”
Walang nagmamahal, walang gustong maging parte ng aking buhay,
ano ang dapat baguhin nang sa gayun ako ay matanggap?
Nakapapagod din pa lang maghanap, kaya humarap ako sa altar at nanalangin.
“Oh, Diyos ko, kailan ko ba siya makikilala?”
“Darating pa ba siya o tatanda na lang akong dalaga?”
“Pagod na kasi ako, pagod na sa kahihintay sa tamang tao.”
Bumulong Siya at sinabing, “Anak, hindi mo kailangang maghanap dahil ang
tunay na pag-ibig ay kusang darating sa iyong buhay”.
Natuwa ako at naiyak, naisip na kahit gaano ako katagal maghintay,
basta ang istorya ko’y isinulat ng maykapal, hinding-hindi ako dapat mapagod
at magiging matamlay.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments