top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

3 katao sugatan sa karambola

Pabs Hernandez III
Jan 21, 2019
1 min read

ISABELA—Tatlo katao ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan, kamakalawa sa National Highway ng District 3 sa San Manuel sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga sugatan na sina Jose Talingdan, Kimberly Sawit, kapwa lulan ng kotseng Nissan at Ed Ballad na nakasakay naman sa van.

Ayon sa ulat, aksidenteng nabangga ng van na minamaneho ni Renier Atilano na kinalululanan din ni Ballad ang sasakyan nina Talingdan at Sawit at sa lakas ng pagkakabangga ay napunta ito sa kabilang kalsada kaya nabangga ang kotse ng Ford Ranger na minamaneho naman ni Asierto Domingo.

Ginagamot na sa ospital ang tatlong biktima, samantalang, sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang driver ng van na si Atiliano at driver ng Ford Ranger na si Domingo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page