2 bebot tiklo sa marijuana
CAMARINES SUR—Dalawang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tabuco, Naga City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Dominique dela Cruz at Crisphel Serillano, kapwa residente ng nasabing lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Dela Cruz at Serillano na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments