top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Totoong giyera kontra tax evaders, kailan kaya?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2019
2 min read

KAYA PALA MINUMURA AT INA­ALIPUSTA NI P-DUTERTE ANG DIYOS NG MGA KATOLIKO KASI ISLAM (MUSLIM) DAW SIYA—Sa harap ng mga Muslim sa Cotabato City ay sinabi umano ni P-Duterte na Islam (Mus­lim) daw siya at hindi Kato­liko.

Ganu’n? Kaya naman pala wagas kung murahin, alipustahin at insultu­hin ni P-Du­terte ang kinikilalang Diyos ng mga Kato­liko kasi Islam (Muslim) daw siya!

◘◘◘

KAILAN KAYA MAGKAKA­ROON NG TOTOONG LABAN ANG GOBYERNO KONTRA SA MGA TAX EVADER? — Ngayong araw ang laban ni Boxing Legend Sen. Manny “Pacman” Pacquiao kontra sa Ameri­can boxer na si Adrien Broner at tulad nang dati, ibinibida na naman ng bok­singerong pulitiko na ang laban daw niyang ito ay para sa bayan.

Sa totoo lang, mula nang maging puli­tiko si “Pacman” at mabulgar na hindi ito nagbabayad ng tamang buwis sa pamaha­laan ay laos na para sa ma­yoryang Pinoy ang ganyang statement niya, na kesyo ang laban daw niya ay para sa bayan.

Sa ngayon kasi, ang gustong mang­yari ng publiko ay magkaroon ng to­tohanang laban ang gobyerno sa mga tax evader na tulad ni “Pacman”, period!

◘◘◘

KUNG MAY NANANALA­NGING MANALO SI “PACMAN”, MAY NANANALANGIN DING MA­TA­LO SIYA — Noong wala pa sa poli­tika si Sen. Pacquiao, kada laban niya ay nagkakaisang nagdarasal ang buong sambayanang Pinoy na manalo siya sa boksing, pero mula nang maging puli­tiko siya at maging ganap pang se­nador, hati na ang panalangin, may mga Pinoy na nananalangin na manalo siya at mayroon ding mga Pinoy na nana­nalangin na ma­talo siya sa boksing.

Ang matindi, sa social media ay may mababasang comment ng mga Pinoy na inis na sa pagiging pulitiko nito na hindi lang basta talo ang gusto nilang abutin nito sa boksing kundi gusto rin nilang ma-knock­out si “Pacman”, boom!

◘◘◘

TUGUEGARAO POLICE, ‘NGA­NGA’ SA DROP BALLS AT ‘DICE 6-8’ — Ang raket daw na “drop balls” at “dice 6-8” ni “Balisi” ay malapit lang daw sa Tuguegarao City Police Station.

Kung totoo ito, lumalabas na “tu­tulug-tulog” pala sa pansitan ang ka­pulisan sa Tuguegarao City kasi may nanraraket na malapit sa kanilang presinto, hindi pa nila alam, mga buwi­sit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page