top of page
Pokwang.jpg

Sakto at usung-uso ngayon ‘to, besh... TIPS PARA MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG TRANGKASO

Donna Thea Topacio
Jan 20, 2019
2 min read

USUNG-uso ngayon ang trangkaso, ‘yung tipong barado ang ilong mo dahil sa sipon, tapos idagdag mo pa ang pag-ubo at sakit ng ulo at katawan. Naku, ang hassle talaga lalo na kapag may trabaho ka, pero para maiwasan ang pagkakaroon nito, narito ang ilang tips na siguradong makatutulong sa inyo:

1. REST. Ito ang pinakamabisang paraan upang gumaling ang taong may trangkaso o flu. Sa oras na nakapagpahinga siya sa mga aktibidad na ginagawa niya tulad ng trabaho, paggamit ng gadgets, panonood ng TV atbp., for sure, gagaling talaga kayo dahil hindi lang pisikal ang maipapahinga ninyo kundi pati na rin ang inyong isip. Kaya pahinga-pahinga rin ‘pag may time, mga besh!

2. DRINK VITAMINS. Mainam kung araw-araw ay umiinom tayo ng vitamins dahil nakatutulong ito upang malabanan natin ang mga mikrobyo o virus na ating nalalanghap tuwing lumalabas tayo o sa environment na kinabibilangan natin. Maraming murang vitamins ang epektibo, kaya huwag tayong mapagod maghanap ng babagay sa ating pangangailangan.

3. CONSULT YOUR DOCTOR. Maraming gamot ang over-the-counter, pero mas okay pa rin kung ang iniinom nating gamot, eh, ‘yung inireseta ng doktor dahil mas magiging epektibo ito para sa atin, hindi pa masasayang ang perang ipinambili natin. Copy?

4. FOLLOW. Kung dehins tayo puwedeng kumain o uminom ng matatamis at malalamig, sumunod na lang tayo nang sa gayun ay hindi ma-trigger ang ating iniindang sakit. Sa oras na sinunod natin ito, mas mabilis tayong gagaling, gets mo?

5. PUT MASKS. Importante ito lalo na kung nagko-commute tayo, epektibo itong panlaban sa masamang polusyon, gayundin, maiiwasan nating makahawa ng ibang tao sa tuwing tayo ay babahing.

6. DRINK PLENTY OF FLUIDS. ‘Ika nga ng iba, uminom ng maraming tubig para mawala ang sakit lalo na kung sipon at ubo dahil keri itong makatanggal ng plema na sanhi kung bakit tayo nagkaka-flu.

7. EAT NUTRITIOUS FOOD. Ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain, dehins lang tuwing may sakit kundi araw-araw. Limitahan ang pagkain sa fastfood chain nang sa gayun ay mas maging healthy living tayo.

8. PROPER HYGIENE. Make sure na maliligo o maglilinis palagi nang sa gayun ay hindi kinakapitan ng germs ang katawan, gayundin ang mga gamit sa bahay.

Ang alikabok ay isa sa mga sanhi kung bakit tayo nagkakaroon ng impeksiyon sa ilong na nagreresulta sa pagkakaroon ng sipon, kaya tanggal-tanggal din ng mga agiw sa bahay, mga lodi, ha?

Oh, ayan, mga besh, sa rami ng may sakit ngayon, huwag na tayong makisali sa kanila. Sundin lamang ang mga tip na ito at siguradong makaiiwas talaga tayo.

Okie? He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page