top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pulis binentahan, 3 tiklo sa droga

Maeng Santos
Jan 20, 2019
1 min read

TATLO kabilang ang isang babae na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao, alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra sa umano’y drug pusher na si Theresa Alcaraz, 44, ng Bgy. Marulas, Valenzuela City sa University Ave., Bgy. Potrero.

Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money ang isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Nang magbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kasama, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto si Alcaraz at kanyang dalawang kasama na nakilalang sina Katchir Kochkerian, 36, at John Patrick Lazo, 49.

Narekober ng mga operatiba kay Alcaraz ang walong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page